Friday, December 21, 2007

Indoor Champs!

Yea, indoor champs bitches!!! I thought we were each gonna win a gold disc, just like what TUC awards to winners during the regular leagues. The GAIA shirts were alright too (see pic below).

Those fuckers tried to pull a fast one on us before the game. They had ringers from the A league play for them for a couple of points, but the convenor said they can't do that especially during the finals. Kung sino lang nasa roster, yun lang naman talaga dapat maglalaro noh. Ayun, we almost lost to them during the regular games. May gigongous handler sila na hinde namin ma mark ng maayos. Pinatay kami nila nun sa deep throws and millions of hammers.

Eh game plan namin ngayon i force sila ng backhand, para mas madaling mabantayan yung hammer throws. Ayun, nag work naman. Saka yung big boi nila pinagod nung maliit naming teammate, sinabihan namin na tumakbo lang sha ng tumakbo. Ayun eventually napagod din yung handler nila.

They just gave up eventually, not putting up much of a fight during the latter stages of the game.

Astig. Exciting pala maglaro sa finals. Ayaw mo talaga maging weakest link. Kaya todo lang sa D at O. Yay!



Fall Indoor League Champions Crowned article

Wednesday, December 5, 2007

SOTG

Wow! for the first time kasali ako sa number 1 team, unlike the jogalosers. Hehe, joke. Although hinde naman pros yung mga nasa tier namin, marurunong pa rin nonetheless. yung tier 1 kasi dun yung mga touring players naglalaro.

anyhoot share ko lang. team name namin "Rosy the Vietnamese Pork-bellied Pig." Dapat nga sabi ko Jennelai na lang eh. HAHAHAHAHA!!! well...

http://www.tuc.org/page.php?url=/leaguerunner/league/list

Number 1 nga kami before the playoffs, pero olats naman yung SOTG.

What is the moral of the story? Kung gusto mo umasenso sa standings, MANGUPAL KA NA LANG! The end justifies the means!!! Sagasaan na lahat. Hehehehehe.

*napansin ninyo ba na puro related sa pigs yung mga pangalan ng teams? Jen, Melai, MOND! saktong sakto pala kayo dito!!!

Monday, October 15, 2007

Waterloo Octoberfest Tournament

Share ko lang yung fun Spirit game na nilaro namin nung weekend. Tawag nila AI-YAH!!! May mag ai-ya (raise hands ala karate chop), tapos tuturo niya yung isang tao sa circle. Dapat mag ai-ya yung tao na naturo (also raising his/her hands) tapos may ituturo siyang ibang tao, habang yung dalawang katabi niya chi-no-chop din sha. Dapat lahat ng movements may hai-yah! kung di ka in-sync, alis ka. kung di mo maintindihan, ayan panoorin mo na lang...

Tuesday, October 2, 2007

Di ka rin makulit

1st week at work, while lacing up my cleats during lunchtime...
Po: "Ah nagbabasketball ka?"
Yug:"Uh, hinde ultimate frisbee."

During Canadian Ultimate Club Championships...
Yug:"Astig oh, nasa diyaryo yung ultimate. Front page pa."
Po:"Ah."

Every Thursday...
Yug:"Alis akong maaga may laro pa ako e."
Po:"Sige."

Last week...
Po:"Tama yang sports, para healthy. Buti nagbabasketball ka."
Yug:"...."

Thursday, September 27, 2007

Mani!!!!

shempre gayahin ko rin si taty/jen post. Hahahahaha!

no one in particular: melai! congrats! 25 years ka na pala sa showbiz!!! http://showbizandstyle.inquirer.net/entertainment/entertainment/view_article.php?article_id=91179
melai: ulul pakyu!
no one in particular: hahahahaha
melai: walang hiya ka tlga!
melai: kelangan ipagkalat noh?
no one in particular: shempre proud kami sa iyo ate MANI!!!
melai: hoy ike lozada!
no one in particular: tagal mong mong inisip yun a
melai: hindi kaya nek nek mo!
no one in particular: hahahahahaha
melai: tse!

Monday, September 24, 2007

Peterborough Tourney


Niyaya ako nung thursday teammate ko na sumali sa kanila for the Harvest tournament in Peterborough (mga 2 hrs east of TO), shempre go naman ako kasi $25 lang. Tamang camping daw overnight. Hmmm... sige sabi ko, camping. Kahit huling nag camping ako grade 2 pa ata. OO nag boy scout ako nun. Hahahaha. So nanghiram ako ng camping gear dun sa isa ko pang teammate. Alis kami ng 6.30 sa TO.

Pagdating namin dun, parang masama na kutob ko. Yung captain namin lasing pa. Nagstay na sila overnight dun (Friday night) with the rest of the team, tapos libre daw yung wine at nagpainom pa yung organizers ng Creemores na beer (premium beer to a). And so our first game goes like this... Pass... Drop... Score for kalaban. Pucha, kamusta naman sa mga oldies na kakampi ko. As in mga Mr and Mrs sila. Hahahaha. Di na makatakbo, aga pang mapagod. Kung hinde lang dahil sa amin ni Alan (my teammate) at yung isang teammate nila na magaling din, ewan ko kung san sila pupulutin. Kamusta naman sa zone nila na walang kamatayan. Hanggang sa loob ng endzone naka cup pa rin sila. Di pa nakakarinig kung sinigaw ko na man to man na defense na.

Ayun, di naman magagaling yung mga ibang teams din, pero they managed to beat us pretty badly. Well olats nga sa laro pero buti na lang masarap pagkain na libre at maraming toma. Laborer serving size ang pasta na kanilang pinamimigay, and all the free wine that you want. May red at may white pa. Sobrang daming fruits, at may libreng kape sa umaga. Pwede na.

Funny nung dinner, habang kumakain lahat inannounce nila yung team standings, sinimulan nila sa 15th place (last).... "at 15th place... Huckin Heroes!" tapos lahat kami sa team: "WHOOOOOHOOOOOOOOO!!! YEAH!!!" lahat ng tao tawanan. Hahahaha. Tapos may katabi kaming guy na sobrang wasted na, as in half-open na yung mata. Kinukulit niya yung isang teammate ko, eh may katabi siyang bote ng wine. Shempre being the mambuburaot that i am, hiniritan ko na: "Ey dude, chug that bottle!" Tapos lahat ng teammates ko at the same time: "Chug, chug, chug,..." Tinugga ni gago! HAHAHAHAHAHAHA.

Hay, after that inom ng beer sa may campfire tapos tulog na. Punyeta, kulang ata yung gamit ko. Lahat sila may air mattress sa loob ng tent nila, ako sleeping bag at rubber mattress lang. Yung lalagyan pa ng sleeping bag nilagyan ko lang ng damit para unan. Pakshet hanggang ngayon masakit pa rin likod ko. Wala, di ako uubra ata sa camping shit.

Ayun the next day, nanalo naman kami ng 2 games. may mas supot pa pala sa amin. HAHAHAHA. It was fun nonetheless, but could have been better if I had teammates na kahit papano marunong mag ultimate. kahit konti lang. Lose.

Wednesday, September 19, 2007

Playoffs


Ayun, TUC playoffs nung Sunday. Actually, nagstart na siya last week, pero monday and tuesday teams mga naglaro. Naglaro din ako nun, pero supot mga kakampi ko. nagsi alisan pa nung linggo. lousy. Etong linggo naman ok. Won 3 Lost 3, Tied 1.

Ayan, share ko lang... Marami akong teammate na hinde magaling. May RG pa nga kami! Hahahahaha, as in pag hawak niya yung disc, turnover 70% of the time. Pero he's trying. Try lang. hahaha. Yung mga girls namin, konti lang athletic. Yung mga athletic naman, di rin mashadong magaling. HINDE MAGALING AT ALL PALA.

PERO... lahat nakakahawak ng disc. kahit na supot magpasa, mataba, mabagal, matanda pinapasahan pa rin. Pag napapansin ng iba na hinde pa nakakakuha ng disc yung iba, pinapasahan naman. Hinde lang pilit. For every catch or pass that people make, umaangat yung confidence nila. So nagiging mas maganda yung laro nila, kahit for 2 days lang. So nagiging mas enjoyable yung game. Nandun yung drive to win, pero everyone makes sure that everyone is enjoying the game at the very least.

May isa nga akong teammate na matanda na, mabagal rin tumakbo. Nung first part of the season parang ineechepwera siya ng isa sa teammates ko (bitchface kasi yun), pero nung weekend nagulat ako kasi marunong naman pala siya. Hinde lang binibigyan ng chance dati siguro.

Lesson? Magtiwala. Kung hinde mo rin naman papasahan, pano matututo yan? Ngayon ko lang din nakita na importante lang din yung field awareness. Kahit mabagal ka, madaling makakuha ng disc.

Thursday, August 23, 2007

Sunday, August 12, 2007

Nationals

Canadia Ultimate Champeenships. Nanood ako ng finals sa Varsiy Stadium (University of Toronto), anlufet lang talaga. Yung mga teams na naglaro sa finals galing Toronto at Vancouver lang. East versus West. Well nanalo yung mga teams galing ng Vancouver. Hahahaha.
Yung womens final sobrang tight game. Di lumalampas ng more than 2 points yung difference ng scores throughout the game. Traffic (Vancouver) won over the Capitals (Toronto-Ottawa). Every point was exciting, super skilled yung mga girls. Sa mens naman, araw lang talaga ng Furious George (from Vancouver), daming sablay nung Goat (Toronto). Daming lay outs! Ambibilis pa nila tumakbo lahat. Yung mga nanalo ata ang mag rerepresent sa Canada sa Worlds next year (which is in Vancouver).Napansin ko lang sa kanila na very active yung sideline nila. Both sides of the field may teammate sila dun, sinasabi kung sino libre, yelling "up", saka nag cheer na rin. Tapos may mga observers. Feeling ko sa mga championships kailangan ng observers pag hinde maka reach ng agreement yung mga nag call ng fouls or whatever. Kahit pala sa high levels, daming nana. Hehehe. Pag minsan mashadong maraming calls na, yung crowd sumisigaw ng: "Enough talk! Just play!" Saka active din sila sa boo-ing. May mga tumatawag ng foul pag clean D naman. Hmmm... Sounds familiar.

Ayun, masaya pa rin manood ng ultimate. Shempre iba pa rin yung kasama mo manood teammates mo habang umiinom at nagkukulitan. Sheeet. Ano joga? Worlds tayo next year! Hahahaha.

Sunday, July 22, 2007

Mid Season Tourney

Yahoo! Another weekend of ultimate. After not playing for more than a week (thursday games got cancelled due to rains) I was so pumped to play this weekend. Tourney was at Sunny Brook Park. It's a massive plateau with soccer, field hockey, cricket, and rugby fields. And almost all of the fields were for TUC's tourney.

Around 40 teams from different tiers and days played during the weekend. We played 4 games yesterday, at lahat talo. Pakshet. Kulang nanaman kami sa tao, like in North Bay. Tinalo pa kami nung isang team na nakalaban na namin sa thursday nights. Well in fairness may hugot sila na touring player, yung tipong pumupunta sa Nationals.

Highlights of my weekend include an assist on a spirit point. Yung isang point na nilaro namin (after regulation time) was a chair point. May isa kayong teammate na injured or whatever na nasa chair sa gitna ng endzone ninyo. Tapos sha lang pwede sumalo ng disc sa endzone. Shempre ang lolo mo ang nag pasa. Curling flick may bantay pa sa gitna ko at ng chair. Perfect pass! yess. Nagalingan sila eh. Naks. Saka I was picked for a prize after another game for being the best guy player in our team. May nagyaya pa nga sa akin na sumali sa upper tier team. Um-oo lang ako pero di niya lang alam na wala akong stamina. Hahahaha.

Ultimate career? Hmmm... Asa pa. Pag payat na siguro ako, baka pwede pa. Pag payat na ako, di na ko sasali rin sa FUN team. Di ba jen? Mwahahahaha.

Sunday, July 15, 2007

ang lufet lang ng transformers...

Ang bangis lang talaga. Shet. Napanood ko rin yung Die Hard. OA. hahahaha. Pero pwede na rin. Lam ko mejo late na ako nakapanood, ayaw ko makisabay sa millions of people na nanood last week.

Di ba dapat si bumblebee ay volks? labo lang na camaro siya. Funny thing, token black dudes always get killed in a movie. Kahit sa robots, ganun din. Taena boses pa lang ni Jazz egoy na eh. Siya pa namatay. Wahahaha. Sayang, I wanted to see more of the megatron/starscream fights. Di ba palagi silang nag aaway sa cartoons? Ano kaya sunod? GI Joe? Baduy ata kung totoong tao.

Best part is... nilibre ako ni Jackol. Yun lang. o jen shatap, baka nagwawater water ka nanaman jan.

Sunday, July 1, 2007

new post!

Wow, new post finally. I've been waiting for the tourney pics from one of my teammates pero mashado nang matagal.

anyhoot, galing ako sa tourney sa north bay two weeks ago. It's around 5 hours from toronto (north). yung isang teammate ko may cottage dun. so dun kami nag stay for the weekend.

I haven't been to a cottage before, so i'm kinda excited. i was not expecting much after all, iniisip ko na mejo rustic house by the lake. pero pagdating namin dun, pucha ang laki nung bahay. 6-7 bedrooms ata meron tapos loaded pa yung house din. hot tub, sauna, boat, wakeboards, the works. kahit yung mga whities na kasama ko nagulat din sa cottage. apparently mayaman pala yung teammate ko. yesss...

the tourney is pretty big. 28 teams from in and around ontario came. mejo big deal pala ang ultimate sa north bay. kahit na maliit lang yung town, sobrang daming naglalaro. yung team namin parang hat team lang. yung thursday night team ko kasi nag meet up lang through postings sa toronto ultimate club website, so wala talagang magkakakilala. nakipag volt in kami sa isa pang thursday team.

ang sablay lang sa tourney namin, thursday night na injure yung may ari ng cottage. friday night na injure yung isa pang teammate namin. sat morning during the first game na injure yung isa pang guy. so 3 guys ang natanggal agad. mejo savage yung guys. 1 sub lang for the whole weekend.

we won our first game, tapos talo na lahat. magagaling kasi yung mga nainjure, so olats. iba rin yung teams dito. magagaling lahat. we watched some of the games from the other fields, it's like watching ultimate games on video. yung tipong collegiate level. so iba talaga. naisip ko kung kakayanin ng pula yung top teams dito... hinde ata. hehehe.

ang makulit sa northbay tourney, may two points. pag nasalo mo yung disc behind the back sa endzone, two points. we tried pero wala talaga. hehehe. malamig din yung panahon dun. para kang naglaro sa baguio ng december. dapat mainit na e, pero naging makulimlim kaya lumamig.

after the games, tamang chillax na lang sa hot tub at inom ng beer. ok naman yung mga teammate ko. buti may isang couple na asian kaya di mashadong nakaka op. pero most of the time ako lang mag isa sa isang sulok kasi nakaka op pa rin. weirdo lang talaga yung ibang lahi. hirap timplahin. hehehe.

i tried to swim in the lake, but as soon as i hit the water i wanted to get out. sobrang lamig pakshet. tangina... di tayo pang lake water! tamang beach at tubig alat ang balat mo! hehehe. so diretso na lang ako sa sauna tapos hot tub. pero etong whities tamang nag wakeboarding pa e. shet. panglamig sila talaga.

Eto yung lake view...


Saturday, May 26, 2007


Eto yung backyard namin.

Friday, May 25, 2007

ultimate update

Well wala akong ibang ginagawa dito kung hinde mag trabaho at mag ultimate. yung picture sa itaas, clinic sa riverdale park. pang mid level players. yung mga nagtuturo mga A level players.

Ngayon naman sumali ako sa dalawang league, sa Toronto Ultimate Club at sa Toronto Central Sport and Chuva Club. yung sa TUC laro every thursday nite, yung sa TCSSC sunday ng gabi naman. Taena supot kung supot yung sunday team, mga oldies na nandun matitigas pa ulo. mas magaling pa yung jogadores nung unang naglaro ng ultimate e. matagal na nga sila naglalaro pero olats. sayang ata pera ko. di bale feeling magaling naman ako dun at mukhang bilib naman sila. kung sa baga, may napagpa-practisan ako. hahaha.

yun naman sa TUC ok. lotsa experience and a bit of athleticism, pero yung mga kalaban naman namin mas athletic. challenging naman. taena takbuhan kung takbuhan eh. kailangan na ata mag quit ng yosi. shempre sa unang laro namin suot ko yung ultimate underdogs ko na jersey. represent! sa akin lang ata sakto yung fit a. pero kahit pareho kami ni rose nasukatan, iba pa rin yung fit kay rose. labo. pero in fairness di naman mang peping quality yung jersey.

panalo lang dito, SOBRANG daming ok na fields. apparently importante ang parks sa kanila. so ang daming fields at sports. etong sa baba naman rugby fields sa eglinton flats.
sa likod ng bahay namin may gate na saktong bumubukas sa football field ng school. pwedeng pwede mag disc golf. buti ngayon mga 9pm na nagsisimulang dumilim. swak pagtapos ng work bato bato ka sa likod. naisip ko lang kung nandito joga, jan lang tayo mag pa-practice tapos diretso sa backyard para di na maghahanap pa ng chicken boy na tambayan. hahahaha.

Thursday, May 10, 2007

Filipino Funnnies

An excerpt from a Filipino newspaper:

Pare1: Pre nasusuka ako pero di tumutuloy.
Pare2: Sundutin mo yung lalamunan mo.
Pare1: Ayaw pa rin lumabas eh.
Pare2: Sundot mo sa pwet mo.
Pare1: Ayaw pa rin eh.
Pare2: Sundot mo ulit sa lalamunan mo.

Well bentang benta sa erpat ko. Hahahaha.

Saturday, May 5, 2007

Canadoobie

O bago ang lahat, HINDE AKO NAG DOOBIE. napadaan ako sa event na to after ng ultimate clinic, naintriga lang ako. di pa kasi ako makapunta sa amsterdam, so i wanted to see what the fuss was all about.

ayun doobie here, doobie there. daming tao na kung san san nag smoke sa queen's park. apparently ok lang mag smoke kasi di naman pinapansin ng mga pulis yung mga smokers. i ALMOST got high from just walking through the crowd, pero umalis na ako bago pa mangyari yun. yesss....

there's something about 420 kaya siguro nila ginawa today yun. Well google it to get the whole story.

may concert pa yung event. kamusta naman. shempre reggae yung sounds. hahaha. dami pang naka dreadlocks din. karamihan mga bata pumunta. may mga hippies din nandun, di ko na lang pinicturan at nakakahiya. hehehe.

weirdo talaga yung mga tao dito. may isang dude na may anti-doobie poster. he was assulted twice na daw. MALAMANG! bakit ka pupunta sa ganitong event na may karatulang ganyan. hahaha. tinabihan na siya ng mga pulis after that. TANGA!

if i were 4 years younger, baka nakisali pa ako. pero wala pag matanda ka na, kagaguhan na lang yung mga ganito.

shet, wala na akong magawa dito.

I posted more pics on the teambibiw site.

Friday, April 13, 2007

Ano NA?!?

Nakakalungkot isipin na nawawala na ata ang ating mascot. Balita ko di na nagpapakita itong si Chicken boy sa mga gimik, laro, o kung anuman. Mukhang nagpapakasasa mashado sa mga bagong barkada niya sa meco. tsk tsk. sabi ko na nga ba eh, iiwanan na tayo netong mokong na ito.

Hoy kung alam mo lang mister, marami nang nagtatampo dahil di ka nagpaparamdam sa mga kaibigan mo!!! Tsk tsk.... Baka naman pwede ka pa ring sumama sa outing para ma redeem mo naman sarili mo. hehehe. oy SUMAMA KA. kahit ako mabuburat pag di ka sumama. kung san man yun.

Eto na lang ang isang proof kung gano ka na katagal na hinde sumasama sa barkada. Wala pa atang may alam kung ano (o sino rather) ang ibig sabihin neto:
In a RELATIONSHIP?!? ANO NA? sino o ano yung ka relasyon mo? sabi sa inyo si lala talaga gusto nun ni mond eh. HAHAHAHA!

Final Score for 3rd Place

Yep, yan yung score namin sa all-nighter tourney. labo noh? kung makikita ninyo, yung sa may binata, mejo pasikat na yung araw niyan. actually, sumikat na ata mejo cloudy lang nung umaga.

Tuesday, April 3, 2007

TUC All Nighter

The Toronto Ultimate Club (TUC) held this year's all-nighter hat tournament at the downsview hangar, an indoor soccer place na turf yung sahig. It started at 12mn (sat) to 7am (sun). It was a fund raiser of sorts, entrance fee was $25. Eh wala nakong magawa eh di sumali na lang ako.

Pucha di ko alam nasa gitna pala ng Downsview Park yung lecheng hangar na yun. Mga 30 mins din akong naglakad papunta dun. Kala ko ok na warm-up, pero lakas ng ihip ng malamig na hangin. leche talaga. anyhoot, naglaro kami ng total of 4 games (10 mins in between) from 1-7am. Pucha mahirap pala makipagsabayan sa mga mokong na takbo ng takbo. pero kahit papano naman nakakasabay ako. naks.

Dahil maliit yung field, ibang klase yung rules. parang continuous points. mag pull lang sa start ng game at ng halves. pag naka score na yung offense, kung san nakascore dun na magsisimula yung defensive team. so wala nang lakad lakad na magaganap. punyeta nakakapagod. pero ang ok naman dun, open sub. basta parang sa tag team sa wrestling, pag ayaw mo na punta ka lang sa may gitna kung san yung mga nag aantay na pumasok tapos apir kayo tapos palit na. similar to the substitution scheme ng hockey. pero shempre di mo gagawin yun habang defense kayo, kasi may ma po-poach na isa pag nag sub ka. nag susub sila pag offense.

games ran for 72 mins. taena, sobrang bilis ng laro yung score umaabot ng 40-45 points. tapos takbo kung takbo. kinabukasan at nung lunes (kahapon) pucha masakit pa rin katawan ko. at least nakalaro kahit papano.

isa pa pala, di ibig sabihin na indoor eh maayos yung temperature. malamig pa rin. nakasuot na ako ng undershirt at jersey, konting pawis lang. tapos natutuyo agad. kailangan mo talaga ng jacket habang di ka naglalaro para di ka ma pulmunya.

Well eto yung indoor place. may nets in between the fields. mga kasing laki ng buong meralco field (track included). 4 fields yung ginamit namin. we ended up tied for 3rd place, di na namin nilaro yung universal point after the time para good spirit. hehehehe.

shempre may stupid story nanaman ako, nung uwian na di nagpapaalam na ako sa mga teammates ko. ang linya ko eh "hey i gotta go, i have a long walk ahead of me. i just walked all the way here from the park entrance." aba yung mga puti sabi "alright man, nice meeting you." dense. buti na lang yung mga asians sinabi na pwede ako sumabay hanggang gate. YUN ANG KOREK NA SAGOT MGA GAGO!

Monday, March 19, 2007

Hmmm... BORING!

Shet. The days keep getting longer when you're not doing anything at ALL. No work yet, just a temp job para may konting pera. lousy. You can't do anything anyways kasi spring na dapat, pero nag isnow pa rin. Ang kulit ng weather a, parang jogadores, ayaw magcooperate! hehehe.

In fairness a, muntik na matalo yung jeepney? pwede. mas ok pa siguro kung tinalo ninyo yung jeepney at yung monster. tapos good spirit pa di ba? hahaha. Sige girls, kayo din, may matatalo din kayo jan. Sana yung may doggy-doggy na teammate.

Well I tried going out with Yulo para makainom naman on St Pat's day. Mura daw beer, eh I haven't had a drink in two weeks so I guess sige gastos na ako. But no! No ID, no entry! aba! punyemas, ang lamig lamig na nga sa labas tapos di rin pala ako papapasukin. Buti pa sa siken boy pumaparada ka pa lang, hinahanda na ang dakilang combo. Anyhoot kinita ko na lang sila jakol para uminom sa bar na malapit kila heidi. Oo jen kila Heidi.

Well on the way there, sumakay ako ng street car. Tumigil na siya sa may street na bababaan ko, so tinulak ko yung pinto. Tapos may nag alarm, tapos nasigawan ako nung driver na: "THIS IS NOT THE STOP!!!" Oops. Sorry, pinoy pa rin pala ako, kung san san bumababa. lahat tuloy ng tao tumingin sa akin. hehehehe. TANGINA NYO RIN! sabay baba. shet lakad mabilis para makatago. hihihi.

well hinde gratifying yung beer dito. walang amats. mahal pa. sana pala nagdala ako ng gm para kahit papano may hilo.

Shet nakakainggit yung mga nagliliga. Ako walang magawa. Sana uminit na para makapaglaro na rin ako.

Kung wala kang magawa, eto na lang gawin mo:
Stupid Hat with Stupid Peys

Friday, March 9, 2007

The Goofballs

The other members of the tng... nakakamiss na rin ang siken boys. pucha walang gm dito, sobrang lamig pa.

miss ko na yung buraot peys ni ge
yung aba-di-aba-di ni marco
at kaingayan ni rg
siyempre nanjan na rin si chicken boy orig at (no pics needed)
ang pinaka namimiss ko si roselynbibiw.
shet wala akong kainuman dito wala pang ultimate! punyeta tataba ako dito. hoy jen sabi sayo ibalik mo yung libro ko bago ako umalis e. di pa ako pinagpapawisan... patay na.

Sunday, February 18, 2007

first day of malakas at maganda league

The underdogs and undercats didn't manage to win any of their games yesterday, but somehow things look promising. Somehow.
The boys went up against .32 special and huck you in the morning session. It was rather disappointing. Tanga tanga lang talaga. at least my disappointment turned to amusement in the afternoon session when the girls played three straight games against jeepney, sp, and the flag football girls team.
Captain Pia lead the team, although at first she wasn't too sure of her leading skills on the field. For every decision she makes, she looks at me, ius or gerom for some kind of assurance that she's doing the right thing. sorry pia, kayanin mo yan, mag-isa. hehehe. the boys on the sideline cheered every pass, d, and catch by the girls. everyone else must have been amused by our antics because everyone suddenly was watching the girls' game. it was like watching the finals. hahaha.
good job on the girls team, everyone did well in the effort department, but a little more experience on the side of the beginners would have helped a lot. lufet nga ni jen at pia nagtagal ng ilang points na hinde nag s-sub! and the dynamic duo (melai and rose) kept the team's offense to a staggering high of 15 passes. tama ba ius? o 12?
Hahahahaha. galing ng girls natin. very promising. sana nga lang mag training para di maubos ang skills. noh captain pia?
Nga pala si bossing ni bossing (julie) had a lot to say about the boys team. and i quote: "si yug tama, si ius, tama, si gerom tama, so lahat na lang ba kayo tama? wala mangyayari sa inyo niyan!"

Monday, February 12, 2007

hmmm... new blood?

me and rose came to the joga training after coming from bangkok, and we were pleasantly surprised that there are a lot of people on the field. it seems that we're getting new blood from the soluziona peeps, mejo kailangan na ata ng mga bagong members na rin.
i really think we can't rely on the kids to help out with the team, dahil sa sari saring bagay at kung anuman, lalo na yung mga paimportante. antayin na lang natin mag graduate baka maging soluziona pa sila. hehehe. so dun sa mga oldies na joga, sige lang ituloy nyo lang yung training with the new people. kung sabay sabay kayo mag t-train, mas malayo pa ang mararating ninyo as the leagues come.
another thing oldies, be active in our team. if you can contribute by coming on time or coming at all, do so. kayo na dapat tularan nung mga bago. hopefully with polpol's guidance (and constant whistling) we could have more discipline. kayo na rin magturo sa mga bago kasi mahirap talaga magturo sa mga makukulit na mga matatandang batang isip. saka treat the next league (malakas at maganda) as something to learn from, sa mga susunod na liga yung mga kasma natin baka maging kakampi na rin natin.
atsaka ang joga, barkada natin naman talaga. ultimate (at siyempre ang TNG) are the things that we do to keep us together. kaya let's come on it! magpakabibo na tayo friends! as of now, di pa pala nasa icu ang joga. mukhang malakas pa rin ang puso lumalaban pa. hehehe.
kamusta naman sa pagpapaalam, malapit na pala akong umalis. hehehehe.

Monday, February 5, 2007

happy birthday ius!

hababirdie iussy!!! kamusta naman sa sunday night celebration? kain sa mang jimmy's then inuman sa siken boy! buti na lang pala wala na akong pasok. hehehe.

Early birds (mga gutom na), si mond as usual late nanaman.








The whole gang at mang jimmy's, buti pala wala si jen, wala akong kaagaw sa pagkain! AY MAY ANNOUNCEMENT SI PIA... hahahaha. pero secret pa lang pala yun... ask pia na lang. tsk tsk. buti di pa kilala tong blog na to noh pia?





First batch, si pia at bern maaga umuwi, 10pm impunto umalis si pia at pinapa high blood nanaman ang erpat niya. apparently hanggang sa mga apo na ng tatay niya di na mawawala ang accident ni pia.






second batch, sumunod si pb at sel.








at ang mga natira sa siken boy:
kami, at yung mga nagtatrabaho dun. hahahahaha.

kala mo si gerom yung kaakbay ni marco? si kuyang nag babarbeque yun! hehehehe.

Tuesday, January 30, 2007

the pioneers

siyempre nagsimula ang chicken boy nung muntik na makipag away sila ius sa meatshop. so lumipat ng chicken boy. ang pioneering group nun, sila ius pia rg at si lisa. malakas pa uminom sila nun (yung mga girls) pero si pia... yun na yun. di ba ius? at mond? hahaha. at siyempre si lisa at ang kanyang red horse na ala baby bottle ang aking natatandaan pa nun.

speaking pioneering members, meron tayong special mention kay lisa... kung hinde ka lang napunta ng bicol sana may kasama nang regular tomador na babae si rose.


eto ang love nest. with jowawers. i guess all of you already know my story when we got to their place, but wouldn't it be better to see an actual picture of what i'm talking about?

mejo caught in the act sa paglinis ang ating lola bago kami papasukin...notice the red towel... baka yun pa yung pamunas nung umagang session... HAHAHAHA.

lisa kung nabasa mo na to, joke lang naman. wag ka na lang mashadong pahalatang guilty ka ha? HAHAHAHA.

Friday, January 26, 2007

the real chicken boy


eto si mond, ang totoong chicken boy. eto pa lang mga kaibigan ang simula ng adventures ng ating bida. siyempre kung si darna may bato na kinakain para lumakas, si chicken boy merong GM na iniinom. eto na...


welcome to the mond show extreme episode!


simulan na ang mond show extreme! sige inom pa, at sayaw lang ng sayaw! astig nung gabing to, dun kami nakaupo sa harap ng chicken boy, sa may pool area. mejo mas tahimik siya at hinde masikip. baka sa susunod mas ok siguro dun. mukhang nag eenjoy ang ating bida...

at eto ang mga ginagawa niya pag masaya na siya...
kumakain ng barbecue stick...
at siyempre, kumakain ng pera!

Monday, January 22, 2007

TNG na nga!

hmmm... magpapahuli ba ako sa mga bashing and ranting ng mga teammate ko na may mga blog? shempre hinde! may blog na rin kami! hahahaha. well this blog will always be dedicated to the tuesday night group (may mga regulars lang pero actually yung mga umiinom sa chicken boy sila yung d original tng) kasi marami na atang mga kagaguhang nangyayari na dapat i share sa mundo. at siyempre gawin ko na ring blog ng aking mga endeavor sa canadia, para di naman malungkot ang better half ng team bibiw.

Post na ako ng pictures in a few days, so abangan ang susunod na kabanata...