Friday, April 13, 2007

Ano NA?!?

Nakakalungkot isipin na nawawala na ata ang ating mascot. Balita ko di na nagpapakita itong si Chicken boy sa mga gimik, laro, o kung anuman. Mukhang nagpapakasasa mashado sa mga bagong barkada niya sa meco. tsk tsk. sabi ko na nga ba eh, iiwanan na tayo netong mokong na ito.

Hoy kung alam mo lang mister, marami nang nagtatampo dahil di ka nagpaparamdam sa mga kaibigan mo!!! Tsk tsk.... Baka naman pwede ka pa ring sumama sa outing para ma redeem mo naman sarili mo. hehehe. oy SUMAMA KA. kahit ako mabuburat pag di ka sumama. kung san man yun.

Eto na lang ang isang proof kung gano ka na katagal na hinde sumasama sa barkada. Wala pa atang may alam kung ano (o sino rather) ang ibig sabihin neto:
In a RELATIONSHIP?!? ANO NA? sino o ano yung ka relasyon mo? sabi sa inyo si lala talaga gusto nun ni mond eh. HAHAHAHA!

Final Score for 3rd Place

Yep, yan yung score namin sa all-nighter tourney. labo noh? kung makikita ninyo, yung sa may binata, mejo pasikat na yung araw niyan. actually, sumikat na ata mejo cloudy lang nung umaga.

Tuesday, April 3, 2007

TUC All Nighter

The Toronto Ultimate Club (TUC) held this year's all-nighter hat tournament at the downsview hangar, an indoor soccer place na turf yung sahig. It started at 12mn (sat) to 7am (sun). It was a fund raiser of sorts, entrance fee was $25. Eh wala nakong magawa eh di sumali na lang ako.

Pucha di ko alam nasa gitna pala ng Downsview Park yung lecheng hangar na yun. Mga 30 mins din akong naglakad papunta dun. Kala ko ok na warm-up, pero lakas ng ihip ng malamig na hangin. leche talaga. anyhoot, naglaro kami ng total of 4 games (10 mins in between) from 1-7am. Pucha mahirap pala makipagsabayan sa mga mokong na takbo ng takbo. pero kahit papano naman nakakasabay ako. naks.

Dahil maliit yung field, ibang klase yung rules. parang continuous points. mag pull lang sa start ng game at ng halves. pag naka score na yung offense, kung san nakascore dun na magsisimula yung defensive team. so wala nang lakad lakad na magaganap. punyeta nakakapagod. pero ang ok naman dun, open sub. basta parang sa tag team sa wrestling, pag ayaw mo na punta ka lang sa may gitna kung san yung mga nag aantay na pumasok tapos apir kayo tapos palit na. similar to the substitution scheme ng hockey. pero shempre di mo gagawin yun habang defense kayo, kasi may ma po-poach na isa pag nag sub ka. nag susub sila pag offense.

games ran for 72 mins. taena, sobrang bilis ng laro yung score umaabot ng 40-45 points. tapos takbo kung takbo. kinabukasan at nung lunes (kahapon) pucha masakit pa rin katawan ko. at least nakalaro kahit papano.

isa pa pala, di ibig sabihin na indoor eh maayos yung temperature. malamig pa rin. nakasuot na ako ng undershirt at jersey, konting pawis lang. tapos natutuyo agad. kailangan mo talaga ng jacket habang di ka naglalaro para di ka ma pulmunya.

Well eto yung indoor place. may nets in between the fields. mga kasing laki ng buong meralco field (track included). 4 fields yung ginamit namin. we ended up tied for 3rd place, di na namin nilaro yung universal point after the time para good spirit. hehehehe.

shempre may stupid story nanaman ako, nung uwian na di nagpapaalam na ako sa mga teammates ko. ang linya ko eh "hey i gotta go, i have a long walk ahead of me. i just walked all the way here from the park entrance." aba yung mga puti sabi "alright man, nice meeting you." dense. buti na lang yung mga asians sinabi na pwede ako sumabay hanggang gate. YUN ANG KOREK NA SAGOT MGA GAGO!