Thursday, September 27, 2007

Mani!!!!

shempre gayahin ko rin si taty/jen post. Hahahahaha!

no one in particular: melai! congrats! 25 years ka na pala sa showbiz!!! http://showbizandstyle.inquirer.net/entertainment/entertainment/view_article.php?article_id=91179
melai: ulul pakyu!
no one in particular: hahahahaha
melai: walang hiya ka tlga!
melai: kelangan ipagkalat noh?
no one in particular: shempre proud kami sa iyo ate MANI!!!
melai: hoy ike lozada!
no one in particular: tagal mong mong inisip yun a
melai: hindi kaya nek nek mo!
no one in particular: hahahahahaha
melai: tse!

Monday, September 24, 2007

Peterborough Tourney


Niyaya ako nung thursday teammate ko na sumali sa kanila for the Harvest tournament in Peterborough (mga 2 hrs east of TO), shempre go naman ako kasi $25 lang. Tamang camping daw overnight. Hmmm... sige sabi ko, camping. Kahit huling nag camping ako grade 2 pa ata. OO nag boy scout ako nun. Hahahaha. So nanghiram ako ng camping gear dun sa isa ko pang teammate. Alis kami ng 6.30 sa TO.

Pagdating namin dun, parang masama na kutob ko. Yung captain namin lasing pa. Nagstay na sila overnight dun (Friday night) with the rest of the team, tapos libre daw yung wine at nagpainom pa yung organizers ng Creemores na beer (premium beer to a). And so our first game goes like this... Pass... Drop... Score for kalaban. Pucha, kamusta naman sa mga oldies na kakampi ko. As in mga Mr and Mrs sila. Hahahaha. Di na makatakbo, aga pang mapagod. Kung hinde lang dahil sa amin ni Alan (my teammate) at yung isang teammate nila na magaling din, ewan ko kung san sila pupulutin. Kamusta naman sa zone nila na walang kamatayan. Hanggang sa loob ng endzone naka cup pa rin sila. Di pa nakakarinig kung sinigaw ko na man to man na defense na.

Ayun, di naman magagaling yung mga ibang teams din, pero they managed to beat us pretty badly. Well olats nga sa laro pero buti na lang masarap pagkain na libre at maraming toma. Laborer serving size ang pasta na kanilang pinamimigay, and all the free wine that you want. May red at may white pa. Sobrang daming fruits, at may libreng kape sa umaga. Pwede na.

Funny nung dinner, habang kumakain lahat inannounce nila yung team standings, sinimulan nila sa 15th place (last).... "at 15th place... Huckin Heroes!" tapos lahat kami sa team: "WHOOOOOHOOOOOOOOO!!! YEAH!!!" lahat ng tao tawanan. Hahahaha. Tapos may katabi kaming guy na sobrang wasted na, as in half-open na yung mata. Kinukulit niya yung isang teammate ko, eh may katabi siyang bote ng wine. Shempre being the mambuburaot that i am, hiniritan ko na: "Ey dude, chug that bottle!" Tapos lahat ng teammates ko at the same time: "Chug, chug, chug,..." Tinugga ni gago! HAHAHAHAHAHAHA.

Hay, after that inom ng beer sa may campfire tapos tulog na. Punyeta, kulang ata yung gamit ko. Lahat sila may air mattress sa loob ng tent nila, ako sleeping bag at rubber mattress lang. Yung lalagyan pa ng sleeping bag nilagyan ko lang ng damit para unan. Pakshet hanggang ngayon masakit pa rin likod ko. Wala, di ako uubra ata sa camping shit.

Ayun the next day, nanalo naman kami ng 2 games. may mas supot pa pala sa amin. HAHAHAHA. It was fun nonetheless, but could have been better if I had teammates na kahit papano marunong mag ultimate. kahit konti lang. Lose.

Wednesday, September 19, 2007

Playoffs


Ayun, TUC playoffs nung Sunday. Actually, nagstart na siya last week, pero monday and tuesday teams mga naglaro. Naglaro din ako nun, pero supot mga kakampi ko. nagsi alisan pa nung linggo. lousy. Etong linggo naman ok. Won 3 Lost 3, Tied 1.

Ayan, share ko lang... Marami akong teammate na hinde magaling. May RG pa nga kami! Hahahahaha, as in pag hawak niya yung disc, turnover 70% of the time. Pero he's trying. Try lang. hahaha. Yung mga girls namin, konti lang athletic. Yung mga athletic naman, di rin mashadong magaling. HINDE MAGALING AT ALL PALA.

PERO... lahat nakakahawak ng disc. kahit na supot magpasa, mataba, mabagal, matanda pinapasahan pa rin. Pag napapansin ng iba na hinde pa nakakakuha ng disc yung iba, pinapasahan naman. Hinde lang pilit. For every catch or pass that people make, umaangat yung confidence nila. So nagiging mas maganda yung laro nila, kahit for 2 days lang. So nagiging mas enjoyable yung game. Nandun yung drive to win, pero everyone makes sure that everyone is enjoying the game at the very least.

May isa nga akong teammate na matanda na, mabagal rin tumakbo. Nung first part of the season parang ineechepwera siya ng isa sa teammates ko (bitchface kasi yun), pero nung weekend nagulat ako kasi marunong naman pala siya. Hinde lang binibigyan ng chance dati siguro.

Lesson? Magtiwala. Kung hinde mo rin naman papasahan, pano matututo yan? Ngayon ko lang din nakita na importante lang din yung field awareness. Kahit mabagal ka, madaling makakuha ng disc.